
Proud at humanga si Ruru Madrid sa husay na ipinakita ni Bianca Umali sa kanyang fight scenes bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Noong Biyernes, July 18 sa ika-25 episode ng Sang'gre, muling napasabak sa laban si Terra (Bianca) matapos na pagbabarilin ang kanyang pamilya sa kanila mismong bahay ng mga tauhan ni Gov. Emil (Ricky Davao).
Dito naipakita ni Bianca ang husay sa fight scenes, na hinangaan hindi lang ng manonood kundi maging ng boyfriend nito na si Ruru, na kilalang action hero ng primetime.
"Ang husay husay! Kakaproud!" komento ni Ruru sa fight scenes ni Bianca.
Si Terra ay anak ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) at magiging tagapagmana ng Brilyante ng Lupa. Siya ang itinakdang tagapagligtas ng Encantadia laban sa makapangyarihang Reyna ng Mine-a-ve na si Mitena (Rhian Ramos).
Subaybayan si Bianca Umali bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: