What's Hot

Ruru Madrid, proud sa kapatid na si Rere Madrid sa 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published December 16, 2025 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid and rere madrid


Abala na rin si Ruru Madrid sa kanyang susunod na action project!

Hindi mapigilang maging proud brother si Ruru Madrid sa kanyang kapatid na si Rere Madrid.

Sa bagong yugto ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, ginagampanan ni Rere ang karakter na si Cami. Siya ay alaban ni Terra, na ginagampanan naman ng girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali.

Sa mga nagdaang episode, marami ang humanga sa pag-arte ni Rere. Kabilang dito ang emosyonal niyang eksena kasama si Bianca kung saan nagharapan ang kanilang karakter matapos lusubin ni Gargan ang bahay ni Paopao. Dito rin nalaman ni Terra ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang inang si Nanay Mona (Manilyn Reynes).

Kasama ng Encantadiks at viewers, hindi rin napigilan ni Ruru ang humanga sa naturang eksena.

Sa isang panayam ng GMA Integrated News, ibinahagi ng Kapuso Primetime Action Hero ang kanyang tuwa sa panonood sa dalawang aktres.

"Napa-proud ako. Noong napanood ko 'yung eksena nila, parehas silang mahusay. Nagulat ako actually kay Rere. I didn't expect na ganoon kalalim 'yung talento niya pagdating sa larangan ng pag-arte," ani Ruru

Kasama rin si Ruru sa superserye bilang yumaong Hara ng Sapiro na si Ybrahim. Sa kasalukuyan, kabilang siya sa mga Ivtre sa Devas na patuloy na nag-aalala sa kalagayan ng buong Encantadia.

Bukod sa fantasy series, pursigido rin si Ruru sa kanyang balik-training. Ito raw ay paghahanda niya sa kanyang upcoming action project.

"Para at least once na magsimula na 'yung panibagong proyekto na gagawin natin, nakahanda na tayo. So,, I'm in to Filipino martial arts," kuwento niya.

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, tingnan ang closeness ng Madrid siblings sa gallery na ito.