GMA Logo ruru madrid
Source: rurumadrid8/IG
What's on TV

Ruru Madrid, puspusan ang paghahanda para sa 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier
Published September 13, 2023 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 130 families in Tent City in Cebu get Christmas gifts
Tindera reveal ng TikToker, plot twist na kinaaliwan ng netizens | GMA Integrated Newsfeed
'Love You So Bad,' ngayong December 25 na

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Bukod sa martial arts, ano-ano pa nga ba ang paghahandang ginawa ni Ruru Madrid para sa 'Black Rider'?

Puspusan ang paghahanda ng aktor na si Ruru Madrid para sa kanyang upcoming action-drama series na Black Rider. Ayon sa aktor, kabilang sa mga paghahanda niya ay pag-aaral ng martial arts, paghawak at paggamit ng baril, at training sa motocross.

Sa interview ni Ruru sa noontime news show ng GTV na Balita Ko, ibinahagi ng aktor na dahil action ang kaniyang bagong series, karamihan sa mga eksena niya sa serye ay fight scenes.

“Siyempre, we also want to promote our Filipino martial arts which is 'yung Kali po. Karamihan po ng mga fight scenes ko dito, 'yun po 'yung gamit ko,” sabi nito.

Dagdag pa nito ay bukod sa hand-to-hand combat ay gagamit na rin siya ng baril sa kanyang bagong serye, isang bagay na wala sa nakaraan niyang action series din na Lolong.

“Kumbaga sa Lolong kasi, karamihan dun parang hand-to-hand combat and arnis. But this time, talaga pong kumpleto na, may baril, may itak, may kutsilyo, lahat-lahat,” sabi nito.

Ayon sa aktor ay halos anim na buwan niyang pinaghandaan ang kanyang role at nag-training sa martial arts para maging handa sa kahit anong eksena na gagawin niya.

SAMANTALA, TINGAN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAG-ARAL DIN NG MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO:

Isa pang naiiba sa Black Rider na wala sa Lolong, ayon kay Ruru, “Hindi na po buwaya 'yung sasakyan ko ngayon.”

Sa kanyang bagong serye, gaganap si Ruru bilang isang vigilante na nakasakay sa motor para tulungan ang mga nangangailangan at ang mga humihingi ng saklolo.

“Para po kay Black Rider, gusto po niya talaga na patas po lahat ng hustisya para po sa lahat ng mamamayan,” sabi ni Ruru.

Hindi naman na bago sa aktor ang pagsakay at paggamit ng motor dahil, ayon dito, 18 years-old pa lang ay mahilig at nagmo-motor na siya.

“Siyempre, parang ni-refresh ko lang din 'yung utak ko na nag-train po uli ako ng motocross para at least pag may kailangang stunts na gawin, ako na po 'yung gagawa nun,” sabi nito.

Panoorin ang buong interview ni Ruru dito: