GMA Logo Lolong and Dakila
Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)
What's on TV

Ruru Madrid, reunited kay Dakila sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published December 10, 2024 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong and Dakila


Reunited si Ruru Madrid sa animatronic prop na si Dakila sa 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Nagkaroon ng isang dambuhalang reunion sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Ito ay sa pagitan ni primetime action hero Ruru Madrid at ng animatronic prop na si Dakila.

Ibinahagi ni Ruru and litrato nila ni Dakila sa kanyang Instagram account.

"Hello ulit mula sa amin ng best-friend kong si Dakila! ," sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Sa unang season ng Lolong, ipinakilala si Dakila bilang isang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ng karakter ni Ruru na si Lolong.

May kakayanan ni Lolong na kausapin si Dakila dahil isa siyang Atubaw, isang lahi ng mga taong may malalim na ugnyan sa mga buwaya.

Sa pagpapatuloy ng kuwento sa pangalawang season nito, magiging katuwang ni Lolong si Dakila sa paprotekta sa mga tao sa bayan ng Tumahan.

Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)



Ang animatronic prop na si Dakila ay may habang 22 feet. Gawa sa fiberglass ang katawan nito, habang silcone ang ginamit na balat nito para magmukhang realistic.

Napapagalaw si Dakila sa tulong ng 14 tao gamit ang pneumatic technology o 'yung pagbubuga ng compressed air sa makinarya nito.

Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 2025 sa GMA Prime.

Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong