
Hindi na bago na tuwing papasok ang bagong taon, ang New Year's resolutions ng karamihan ay ang maging fit and healthy. Kaya para makatulong matupad ang fitness goals, nagbigay sina Lolong: Bayani ng Bayan stars Ruru Madrid at Shaira Diaz at Binibining Marikit actress Thea Tolentino ng ilang tips para makamit and target body.
Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, January 20, sinabi nina Ruru at Shaira na sa pagbabalik ng Lolong ay nagbabalik na rin ang kanilang fitness goals.
Para kay Ruru, binabantayan niya ang calorie intake niya at pinapalitan o dinadagdagan ng protein.
“Ngayon, naka-2,700 calories a day ako so kailangan kong [magpalaki ng size] ng konti, 200 grams ng protein. Kain ako nang kain, actually, kailangan maka-seven meals a day ako, ganu'n kadami,” pagbabahagi ni Ruru.
Fasting naman ang nakita ni Shaira Diaz na effective na diet method para sa kaniya na sinimulan na niya kasabay ng pagsisimula nila ng taping para sa Lolong: Bayani ng Bayan.
“Actually, heto, habang ginagawa ko 'yung Lolong, nagsa-start na mag-diet and all, pero 'yung sa fasting, ngayon, naka-fasting ako, parang 'yun 'yung diet na nagwo-work sa'kin,” sabi ng aktres.
Pag-amin pa ng Morning Sunshine ng Unang Hirit ay may konting sacrifice talaga na kailangan gawin para maabot ang kaniyang fitness goals.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CELEBRITY COUPLES NA COMMITTED SA KANILANG FITNESS ROUTINES SA GALLERY NA ITO:
Samantala, tamang uri naman ng pagkain ang naging solusyon ni Binibining Marikit star Thea Tolentino. Imbis na regular rice, shirataki rice na mas mababa ang calories at carbs ang kaniyang kinakain. Sinasabayan pa niya ito ng tamang workout para magkaroon ng fit at healthy body.
“Ngayon, ano ako, less carbs. nagshi-shirataki rice ako ngayon dahil gusto ko nga, 'yung takal ng kanin ko, same (with regular rice),” sabi ng aktres.
Samantala, ngayong gabi, January 20, ang premiere ng Lolong: Bayani ng Bayan at ayon kina Ruru at Shaira, pilot episode pa lang ay matitinding eksena na agad ang mapapanood.
“Talagang pasabog na, as in iiyak agad, dadanak ang dugo, dadanak ang luha, agad-agad. Kumbaga wala nang patumpik-tumpik pa kung gaano katindi 'yung mga eksena napapanood po nila nu'ng unang season ng Lolong, grabe. Pilot pa lang po, 'yun agad ang ibibigay sa inyo,” sabi ng Kapuso Primetime Action Heroo