
Ibinahagi ni Ruru Madrid kung sino ang kanyang itinuturing na ultimate showbiz crush.
Napaamin si Ruru nang siya ay tanungin ng isang fan ng kanyang ultimate showbiz crush. Ayon sa Kapuso actor at isa sa next brightest stars of 2022 ng Sparkle, crush niya na ang Kapuso star na ito bago pa siya mag-artista.
Ayon kay Ruru, "Ito super duper crush ko. Pero noong naging magkaibigan na kami, siyempre naging kaibigan na lang."
Saad ni Ruru sa Instagram Live niya sa Sparkle, ito ay walang iba kung hindi si Solenn Heussaff.
Photo source: @solenn/ @rurumadrid8
"Super duper crush ko, lalo na noong hindi pa ako nag-aartista, si Solenn Heussaff."
Ipinaliwanag ni Ruru na matagal niya nang hinahangaan ang Kapuso star dahil sa mga katangian nito.
"I don't know, parang may something sa kanya na hindi ko talaga mapigilan sarili ko na maging crush ko siya."
Inamin rin ni Ruru na nang magkakilala sila ay mas humanga siya sa Taste Buddies host. Ito ay dahil nakita niya ang magandang personality nito.
"Noong na-meet ko siya, mas lalo ko siyang nagustuhan. Sobrang simple niya lang na babae, walang arte sa katawan. 'Yun siguro 'yung kagandahan sa mga babae."
Ayon kay Ruru maituturing niya raw na weakness ito.
"'Yun kahinaan ko pagdating sa kababaihan. Hindi maarte, kahit saan mo dalhin puwede. Siya 'yung ultimate crush ko."
Nagkasama sina Ruru at Solenn sa ilang Kapuso shows tulad ng Encantadia at Alyas Robin Hood 2.
Samantala, alamin ang showbiz milestones ni Ruru Madrid sa gallery na ito: