
Muling ibinida ni Ruru Madrid sa social media ang kanyang rumored girlfriend na si Bianca Umali.
Sa kanyang Instagram account noong Sabado, January 23, nag-post ng isang photo at video si Ruru kasama si Bianca.
Makikita sa larawan na nakatitig sa isa't isa ang dalawa habang naka-face mask. Sa video naman, mapapanood na nagdya-jogging sila habang umuulan.
Sulat ni Ruru sa caption, "Miss you each day, everyday, all the time."
Nagkomento naman si Bianca ng rose emoji sa post ng kanyang rumored boyfriend.
Pinayuhan naman ng fans nina Ruru at Bianca, na binansagang RuCa, na manatili silang matatag kahit magkalayo sila sa isa't isa.
Kasalukuyang abala ang dalawa sa kani-kanyang acting career.
Si Bianca ay kasalukuyang nasa second cycle ng lock-in taping ng upcoming GMA drama na Legal Wives, na pagbibidahan niya kasama nina Dennis Trillo, Andrea Torres, at Alice Dixson.
Habang si Ruru ay naghahanda naman para sa upcoming action adventure series na Lolong, na pagtatamabalan nila ni Shaira Diaz.
Noong March 2020, ginulat ni Ruru ang publiko nang mag-post siya ng kanilang larawan ni Bianca, na tinawag niyang "moonlight," sa kanyang Instagram account sa unang pagkakataon.
Ayon sa July 21, 2020 YouTube vlog ng kanyang kaibigan at Encantadia co-star na si Mikee Quintos, sinabi ni Ruru na two years na siyang in love. Gayunpaman, hindi direktang binanggit ng aktor kung si Bianca ang dahilan ng estado ng kanyang puso.
Samantala, kung kinilig kayo kina Ruru at Bianca, narito ang ilan pang sweet photos ng rumored couple: