What's on TV

Ruru Madrid to KyRu fans: "Nakakatuwa na hindi [kayo] nawala"

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 17, 2019 12:12 PM PHT
Updated January 17, 2019 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Friends brawl during Sinulog sa Kabankalan festivities
LGBTQ members figure in brawl during Sinulog de Kabankalan in NegOcc
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi maitago ni Ruru Madrid ang kaniyang kaligayahan nang pasalamatan niya ang fans ng tambalan nila ni Kylie Padilla na kilala sa pangalang KyRu.

Hindi maitago ni Ruru Madrid ang kaniyang kaligayahan nang pasalamatan niya ang fans ng tambalan nila ni Kylie Padilla, na kilala sa pangalang KyRu.

Ruru Madrid
Ruru Madrid

Sa isang panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Ruru na masaya siya na naghintay ang fans nila ni Kylie.

“Nakakatuwa na hindi sila nawala, hindi sila nawalan ng pag-asa sa kabila na pinapares kami sa iba't ibang tao, pero nandyan pa rin sila para suportahan kaming pamilya,” saad ni Ruru.

Marami ang kinilig nang unang naging magkatambal sina Ruru at Kylie bilang Ybrahim at Sang'gre Amihan sa requel ng Encantadia noong 2016.

Ngayong 2019, muling magsasama sina Kylie at Ruru sa TODA One I Love, isang eleksyon-serye na may halong romance at comedy na handog ng GMA News and Public Affairs.

Dahil dito, maraming fans ang natuwa nang mabalitang magkakabalikan ang tambalan ng KyRu.

Makakasama nina Ruru at Kylie sa TODA One I Love sina David Licauco, Victor Neri, Gladys Reyes, Jackie Rice at Kimpoy Feliciano.

IN PHOTOS: Meet the cast of GMA's upcoming series 'TODA One I Love'

Abangan ang TODA One I Love sa February sa GMA Telebabad.

WATCH: TODA One I Love: Maghaharap na |Teaser