GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid visits the set of 'Sang'gre'

By Jansen Ramos
Published February 10, 2024 12:42 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Binigyang-buhay ni Ruru Madrid ang papel na Ybarro/Ybrahim sa 'Encantadia (2016).

Binista ng Black Rider lead star na si Ruru Madrid ang set ng inaabangang GMA series na Encantadia Chronicles: Sang'gre, na continuation ng iconic telefantasya na Encantadia.

Ibinahagi ng Sang'gre director na si Mark Reyes sa Instagram ang pagbisita ng aktor sa kanilang set sa Norzagaray, Bulacan.

Sa ipinost niyang larawan, kasama ni Ruru ang girlfriend at bida ng upcoming series na si Bianca, na gaganap bilang Terra, at ang dalawang Encantadia (2016) stars na magbabalik para sa Sang'gre na sina Sanya Lopez at Rocco Nacino. Sa Sang'gre, muling gagampanan nina Sanya at Rocco ang kanilang roles bilang Danaya at Aquil.

Tila instant reunion ito ng Encantadia (2016) stars dahil kabilang rin si Ruru ng nasabing serye kung saan binigyang-buhay niya ang papel na Ybarro/Ybrahim.

"Ybrahim, Terra, Danaya and Aquil on the set of #sanggre ! Thanks for dropping by @rurumadrid8 ! See you soon in Sapiro!" sulat ni Direk Mark.

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Bibida rin sa Encantadia Chronicles: Sang'gre sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian na gaganap bilang bagong henerasyon ng mga Sang'gre.

Bukod kina Sanya at Rocco, mapapanood rin sa pagpapatuloy ng kwento ng Kapuso fantasy series na Encantadia sina Glaiza De Castro na magbabalik bilang Pirena, Kylie Padilla na magbabalik bilang Amihan, at Gabbi Garcia na magbabalik bilang Alena.

Kasama rin sa cast sina Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

Mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA Prime soon.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: