
Tukso kay Ryan Agoncillo ay almost 40 years old na siya. Pero, hindi maitatanggi na hindi pa rin kumupas ang kaguwapuhan at kakisigan ng dabarkad.
Nag-celebrate ng kanyang 39th birthday si Ryan nitong Martes, April 10. Ngayong nagkaka-edad na raw siya, tila napapadalas na niyang marinig ang mga salitang “batang bata pa din ah.” Kaya naman, ibinahagi na rin niya ang kanyang secret to looking young.
Aniya, “Kaya gusto kong pasalamatan ang aking 19 year old self sa aksidente niyang pagkaka diskubre sa secret to looking young when you get to middle age. Let me share with you what I learned.”
“Dapat pag disi-nueve ka ‘yung look mo mukha ka nang kuwarenta, para pag lipas ng dalawang dekada at sinabi nilang ‘Uy, parang walang nagbago ah!’ Tabla lang! O kids, alam niyo na ah,” patuloy ni Ryan.