
Excited na ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang “ikatlong anghel” na papangalanan nilang Juana Luisa o Luna.
By GIA ALLANA SORIANO
Malapit nang manganak si Judy Ann Santos! Sa report ni Luane Dy sa Balitanghali, ipinahayag na excited na si Ryan makita ang kanilang “ikatlong anghel” na papangalanan nilang Juana Luisa o Luna! Aniya, nakapag-ayos na raw si Juday ng mga dadalhin sa ospital.
“Keeping fit” pa rin daw ang actress kahit buntis at nakapag-headstand pa 'to! Wika ni Luane, “Supervised ng certified yoga instructor kaya ligtas ang aktres at si baby.”
Video courtesy of GMA News