What's Hot

Ryan Agoncillo, nagbigay ng update tungkol sa baby number 3 with Judy Ann Santos

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 9:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos recognizes Sherwin Gatchalian's leadership on Independence Day
Remains of Ateneo's Rene Baterbonia flown home to Mindanao
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News



Saan nabuo ang new baby nina Ryan at Juday? Mahirap ba ang pagbubuntis ni Judy Ann ngayon? Ano ang gusto ng mag-asawa, boy or girl? Lahat 'yan sinagot ng ating Dabarkads.  
By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Pagkatapos i-confirm ni Ryan Agoncillo na nagbubuntis para sa kanilang ikatlong anak ang kanyang asawa na si Judy Ann Santos-Agoncillo, isang update naman ang kanyang ibinigay sa isang exclusive interview mula sa Startalk.
 
More than two months ago nang nakitang nagbabakasyon sa New Zealand ang buong pamilya nina Ryan kaya naman marami ang nagsasabing doon nagbunga ang kanilang ikatlong anak.
 
"Oo eh, mukha eh. Noong nagbilang parang sobrang sulit 'yung New Zealand eh," natatawang pahayag ni Ryan.
 
Dagdag ni Ryan, "Sulit ang pamasahe. Yeah! We got a kiwi baby!" 
 
Kuwento ni Ryan, sinigurado muna nila na positive ang lahat bago sila magbigay ng announcement. Aniya, "What happened was, gaya noong kay Lucho rin. We tested positive already matagal na. Pero, nung ikinunsulta namin sa OB, lagi naman nilang sinasabi, 'Let's wait [a] few more weeks.' Maghintay tayo ng heartbeat. We finally scheduled for ultrasound and then 'yun na. We saw an embryo, ang image ng embryo 'tsaka 'yung may heartbeat na."
 
Bukod sa kanilang announcement, ibinahagi rin ni Ryan ang update tungkol sa pagbubuntis ni Judy Ann. 
 
"Hindi naman maselan. Pero always 'yung ingat. Pero ngayon ang sinasabi niya, parang iba daw ito mula nung kay Lucho. Kasi 'yung kay Lucho she had a very easy pregnancy. This time around, I think medyo may kaunting morning sickness siya but hindi naman siya huminto sa daily activities niya. 'Yung paglilihi parang wala naman, pero 'yun kain ng kain, maya't-maya."
 
Ayon kay Ryan, nakaramdam na raw sina Lucho at Yohan bago pa man sila sumailalim sa isang ultrasound kaya naman nagsimula ang paglalambing ng dalawa. Ngunit hindi naman daw nagseselos ang dalawa, sa katunayan, nang ini-reveal daw nila na buntis ang kanilang mommy, sinabi ni Lucho na gusto niya ng kapatid na lalake at si Yohan naman ay gusto ng bunsong babae. 
 
Saad ni Ryan, "Sabi namin one all na naman kami eh, so tie-breaker na 'yung susunod kahit ano na. Sabi ni Yohan, now there's five of us."
 
May room pa ba para sa baby number four sa mga Agoncillo?
 
"Ako okay ako sa tatlo, si Juday tingnan natin kapag nanganak siya kung hihirit pa ng isa," pahayag ng proud daddy.