GMA Logo Ryan Agoncillo and Juana Luna Luisa
Celebrity Life

Ryan Agoncillo shares Luna's first roller coaster ride

By Aimee Anoc
Published November 13, 2022 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 12, 2025
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Agoncillo and Juana Luna Luisa


Isang nakatutuwang bonding moment ang ibinahagi ni Ryan Agoncillo kasama ang anak na si Luna sa Universal Studios Singapore.

Marami ang naaaliw ngayon sa nakatutuwang father-daughter moment nina Ryan Agoncillo at Luna sa Universal Studios Singapore.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Ryan ang naging karanasan ng bunsong anak sa una nitong roller coaster ride.

Sa kabila ng excitement na nararamdaman, inamin ni Luna ang kaba nang tanungin ni Ryan kung natatakot ba itong sumakay.

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)

Sa simula, makikita pang ini-enjoy ni Luna ang ride at sinubukan din niyang itaas ang mga kamay. Hindi na naitago ni Luna ang takot nang bumilis ang roller coaster at napayakap sa braso ng ama. Sigaw niya, "Im scared."

"I got you," agad namang sagot ni Ryan sa anak.

Tuwang-tuwa ang netizens sa reaksyon ni Luna, na anila, kahit napasisigaw sa takot ay cute pa rin. Isa si Pauleen Luna sa napa-comment, na co-host ni Ryan sa Eat Bulaga.

Comments

Si Luna, ang bunso sa tatlong anak nina Ryan at Judy Ann Santos na ipinanganak noong January 8, 2016.

TINGNAN ANG CUTE PHOTOS NI JUANA "LUNA" LUISA SA GALLERY NA ITO: