
Sagot talaga ng It's Showtime family ang saya, tawanan, at kulitan para sa madlang people!
Mapa-asaran man o physical hosting, game na game pa rin ang mga host na maghatid ng good vibes tuwing FUNanghalian.
Ngayong Miyerkules (October 15), hindi napigilan ng mga madlang people ang halakhak dahil sa nakakatawang moment ni Oppa Ryan Bang!
Sa segment na “Laro, Laro, Pick,” nakilala ng It's Showtime family ang contestant na si Adi, na isang Judo athlete.
Ang Judo ay isang modern Japanese martial art o combat sport na gumagamit ng mga throwing at grappling techniques sa kalaban.
Namangha ang mga host nang ikuwento ni Adi kung paano niya nadiskubre ang sports na ito. Noong pandemya kasi, nahuli siya ng isang Air Force officer sa labas ng kanyang bahay. Kaya naman kailangan siyang dalhin sa presinto.
"Paglabas ko ng presinto, 'yun po tinuruan na po ako mag-Judo hanggang sa na-discover ko na po na meron po pala ako talent sa sports na 'to," kuwento ni Adi.
"['Yung Air Force] 'yung naturo sa iyo?" tanong ni Jhong Hilario.
"(Opo). Si Coach Gilbert Ramirez po, three-time gold medalist sa SEA Games," sagot ni Adi.
Ibinahagi ng contestant ang kanyang journey sa nasabing sports. Isa na rin dito kung paano siya nakitaan ng potensyal sa kanyang bigat at laki ng katawan.
"Meron bang tamang weight para labanan mo ang isang katungali?" tanong ulit ni Jhong.
"Meron pong weight category which is meron pong heavy weight [at] light weight," paliwanag ni Adi.
"Oh. Kasi meron kaming magaling mag-Judo rito," hirit ni Jhong.
Sumakay agad si Vhong Navarro sa biruan at biglang tinuro si Ryan!
"Sa Korea ikaw ang panlaban, e," biro ni Vhong.
"Kita mo 'yung arms niya? Kasi palagi 'yan nagte-training, e?" dagdag pa ni Karylle.
Maya-maya, nagtanong si Jhong sa contestant, "Adi okay lang ba na si Ryan..." sabay banat ng, "Don't worry may medic naman kami. Okay lang."
Mas lalong lumakas ang tawanan nang hiritan pa ni Vhong.
"Sabi ng madlang people, 'Hindi importante sa amin ang 350,000 pesos. Ang importante sa kanila maka-showdown mo.'"
Walang pag-aalinlangan, sumunod naman si Ryan sa instructions ng judoka. Sa isang iglap, binalibag siya sa sahig!
"Bakit mo tinotoo?" biro ni Teddy Corpuz.
"'Di po. Sumunod po siya," sagot ni Adi habang natatawa.
Hindi naman nagpahuli si Ryan sa banter.
"Madlang people, happy ba kayo?" sigaw niya na lalong ikinatuwa ng buong studio.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang debut ng It's Showtime sa GMA, rito: