GMA Logo Ryan Bang
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
Celebrity Life

Ryan Bang brings girlfriend to Korea to meet his parents

By Dianne Mariano
Published September 26, 2023 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang


Ipinakilala na ni 'It's Showtime' host Ryan Bang ang kanyang girlfriend sa kanyang mga magulang sa Korea.

Masayang ibinahagi ni It's Showtime host Ryan Bang na nakilala na ng kanyang mga magulang ang girlfriend niya.

Related content: Jhong Hilario, may payo para kay Ryan Bang tungkol sa relasyon

Ayon sa host-comedian, siya ay umuwi sa Korea matapos ang dalawang taon at nakasama ni Ryan ang kanyang mga magulang, na aniya'y matagal nang hiwalay.

“[Umuwi ako sa Korea] after two years. 'Di ba separate 'yung magulang ko noong elementary ako? Nag-lunch kami. 'Yung mommy ko, [after] 10 years, nagkita sila ng daddy ko, mainit ulo pa rin mommy ko,” kuwento niya.

Ipinakilala na rin ng Korean host at comedian ang girlfriend niya sa kanyang mga magulang at nagsilbing translator pa ito.

Patuloy niya, “Pinakilala ko sa magulang ko ['yung] girlfriend ko. 'Yung mommy ko kasi hindi marunong [ng] English, Tagalog kaya hindi sila magkaintindihan.

“Kaya para akong nasa trabaho pa rin. Translate ako nang translate hindi ako makakain.”

Dagdag pa ni Ryan na sobrang masaya ang nanay niya para sa kanya.

Matatandaan na noong Agosto ay inanunsyo ni Ryan sa It's Showtime na mayroon na siyang girlfriend.

Subaybayan si Ryan sa It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.