What's on TV

Ryan Bang, grateful sa pamilya ng kaniyang girlfriend

By Kristine Kang
Published June 23, 2024 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang


Ryan Bang sa mga magulang ng kaniyang girlfriend, "Kung gaano ko po i-honor 'yung magulang ko ganoon din ka-honor 'yung parents ni Paola."

Masaya ang naging birthday celebration ng paboritong oppa ng madlang Kapuso na si Ryan Bang sa noontime program na It's Showtime nitong Sabado (June 22).

Handog ni Ryan ang nakakakilig na harana at muscial performances kasama ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Multi-talented ang host dahil hindi lang siya kumanta ng OPM songs, ipinamalas din ni Ryan ang kaniyang skills sa pagtugtog ng piano at flute.

Maala musician din ang looks ng host kaya naman maraming netizens ang kinilig sa kanilang oppa.

Pagkatapos ng kaniyang birthday performance, labis nagpasalamat si Ryan kay Zsa Zsa at sa kaniyang music teachers.

Bumati rin ang oppa sa madlang Kapuso at sa lahat ng dumalo sa kaniyang birthday sa programa.

Kinilig naman ang audience nang nagpasalamat din si Ryan sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Ginamit din niya ang pagkakataon para pasalamatan ang pamilya ni Paola sa mainit na pagtanggap nila sa kaniya.

"'Yung family ni Paola, grabe 'yung pagtanggap nila sa akin. Para akong anak nila. Mahal na mahal ko po kayo," sabi ni Ryan.

Matamis na idinagdag niya, "Kung gaano ko po i-honor 'yung magulang ko ganoon din ka-honor 'yung parents ni Paola. Kaya thank you so much."

Natuwa rin ang lahat nang ikinuwento ni Ryan kung paano siya trinatong anak ng mga magulang ni Paola.

Aniya, "Galing ako ibang bansa pero 'yung pagtanggap n'yo po sa akin para akong anak ninyo(ng) Pilipino. Kaya maraming, maraming salamat."

Noong August 29, 2023, sinorpresa ni Ryan ang madlang people nang inanunsyo niya ang kaniyang "in a relationship" status.

Pinakilala na rin ng host ang kaniyang girlfriend sa kaniyang magulang at pamilya sa South Korea.

Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RYAN AND PAOLA SA IBABA