GMA Logo ryan bang and vice ganda
PHOTO COURTESY: ryanbang (Instagram)
What's on TV

Ryan Bang, itinuturing na 'answered prayer' si Vice Ganda

By Dianne Mariano
Published July 11, 2025 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

ryan bang and vice ganda


Labis ang pasasalamat ni Ryan Bang sa Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

BIbida si Vice Ganda sa upcoming film na Call Me Mother, na isa sa official entries ng 51st Metro Manila Film Festival.

Sa recent episode ng It's Showtime, nagbigay ng mga mensahe ang iba't ibang celebrities na anak-anakan ng Unkabogable Star sa industriya, at kabilang dito ang Korean host na si Ryan Bang.

Ayon kay Ryan, itinuturing niya na “answered prayer” ang Unkabogable Star.

“Nung bago ako pumasok sa PBB, hirap na hirap ako, palagi ako nagpe-pray, 'Lord, ang hirap pala talaga nakatira sa ibang pamilya, without your parents. Ang hirap pala nakikitira sa ibang bahay.'

"E, nung na-meet ko si Mommy Vice, talagang answered prayer, thank you Lord talaga. Grabe 'yung [pag-aalaga] mo sa akin hanggang ngayon.

“Pero inaalagaan mo ako lahat. Hindi lang ikaw, pati 'yung buong pamilya mo. I love you so much. Maraming, maraming salamat. You are the sweetest mother and you are the greatest mother,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Ryan, palagi ipinapayo ni Vice Ganda sa kanya na alagaan at kumustahin ang kanyang mga magulang.

“Grabe, 'di ko ma-imagine my life without you. Thank you so much. Ako 'yung proof na you are the greatest mother para sa akin. I love you so much,” patuloy pa niya.

Bukod kay Ryan, nagbigay din ng mensahe ang iba't ibang celebrities na anak-anakan ni Vice Ganda tulad nina Awra Briguela, Stell, Jackie Gonzaga, Krissy Achino, at iba pa.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.