GMA Logo Ryan Bang, James Reid
Photo by: @itsShowtimeNa
What's on TV

Ryan Bang, kinilig kay James Reid: 'Eye contact niya sa akin'

By Kristine Kang
Published October 3, 2025 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Classes, trips in parts of Surigao provinces cancelled due to Ada 
Baguio warns public over mayor’s compromised phone number
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang, James Reid


Balikan ang kilig moment nina Ryan Bang at James Reid, dito.

Puno ng saya at iconic moments ang fun noontime show na It's Showtime nitong Biyernes (October 3)!

Umpisa pa lang ng programa, naghatid na agad ng kilig vibes ang singer-songwriter heartthrob na si James Reid nang kantahin niya ang kanyang bagong single na “Blessed.”

Hindi maitago ang ngiti ng madlang people sa bawat matamis nitong titig at song lyrics na puno ng damdamin.

Pero higit sa lahat, isang maswerteng host ang tila hindi mapigilang kiligin--si Ryan Bang!

Habang kumakanta, biglang tumitig si James kay Ryan, bumaba ng stage, at niyakap pa siya.

Hindi pinalampas ng ibang hosts balikan ang moment na iyon.

"Best friend kasi kami. Ako pala ang nagwagi," ani Ryan.

Pabirong hirit naman ni Vhong Navarro,"Pero pagiging best friend n'yo may heart sa mata mo."

Matagal nang magkaibigan sina James at Ryan, mula pa noong 2010 nang magsimula sila sa Pinoy Big Brother. Ani James na 15 taon na silang magkaibigan.

"'Di ka ba nagsasawa na maging best friends (kayo)?" biro ni Vhong kay James.

Samantala, ibinahagi ni James na ang kantang “Blessed” ay alay niya para sa girlfriend na si Issa Pressman.

"I think it's really just her love, the love in my life, that is I'm really blessed to have and that's really the song is about," kuwento niya.

"Damang-dama 'yung declaration of love mo kaya talagang kinilig 'yung girls kanina. Sana lahat makahanap ng ganyang klaseng pagmamahalan," papuri ni Karylle.

"'Di lang girls, may boys din. Ako kinilig ako. 'Yung mga eye contact niya sa akin kanina, 'yan," hirit ulit ni Ryan.

Sabay sumali noon sina Ryan Bang at James Reid sa 2010 season ng Pinoy Big Brother.

Hanggang ngayon, nanatiling magkaibigan ang dalawa at focus sa kanilang showbiz career.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang iba pang celebrity group of friends sa gallery na ito: