GMA Logo Ryan Bang on Bubble Gang
What's on TV

Ryan Bang, mapapanood na rin sa 'Bubble Gang'?

By Aedrianne Acar
Published September 29, 2023 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang on Bubble Gang


Mapapanood na rin ba ng mga Madlang Ka-Bubble si Ryan Bang sa 'Bubble Gang'?

Ramdam sa It's Showtime host na si Ryan Bang na nag-enjoy siya nang mag-taping sa award-winning Kapuso gag show na Bubble Gang early this week.

Sa katunayan, ibinahagi ng former Pinoy Big Brother contestant ang ilang highlights ng naging taping niya with the Ka-Bubble team sa pangunguna ng ace comedian at content creator na si Michael V.

Sa "Tawag ng Tanghalan" portion ng It's Showtime noong September 26, inanyayahan ni Ryan Bang ang Madlang People na abangan ang guesting niya sa show.

Kuwento niya, “Kagabi, nag-taping ako sa wakas ng Bubble Gang. Kumusta daw kayo.”

“Guest ako kaya abangan niyo. Kumusta daw kayo, sana daw mag-guest daw kayo ulit lahat doon. Hindi lang puwede si Ate Karylle, pero lahat daw guest.", dagdag ni Ryan, "Ah! Kasi Ate Karylle busy ka sa play. Mero'n kang CCP.”

Nauna naman ipinahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isang report ng Unang Balita noong Agosto na dream niya makapag-guest sa flagship gag show ng GMA-7.

Lahad ni Vice, “Puwede naman kami magpelikula- Bitoy and Vice Ganda for filmfest [and] dream ko kasi mag-Bubble Gang.

“Nag-aantay lang din ako ng imbitasyon at tsaka kung ano gagawin. Napakaraming possibilities puwede kami gumawa ng kanta together.”

Para sa iba pang update tungkol sa mga upcoming guesting sa number one gag show na Bubble Gang, visit GMANetwork.com o i-follow ang lahat ng official social media accounts ng comedy program.