What's on TV

Ryan Bang, may birthday wish para sa kanyang Pinoy supporters: ' Huwag tayo sumusuko'

By Kristine Kang
Published June 16, 2025 4:06 PM PHT
Updated June 17, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang


Maligayang kaarawan sa nag-iisang Noontime Oppa, Ryan Bang!

Espesyal ang FUNanghalian ngayong Lunes (June 16) dahil isang engrandeng selebrasyon ang ipinagdiwang ng It's Showtime family!

Nagmistulang K-pop concert ang entablado nang naghandog ng isang birthday performance ang nag-iisang Noontime Oppa Ryan Bang!

Umpisa pa lang ng special number, hindi na mapigilang tumili ang studio audience sa pagpasok ng birthday boy sa stage.

Todo kanta at sayaw si Ryan sa ilang iconic K-pop songs gaya ng "Bang, Bang, Bang" (BIGBANG), "Gangnam Style" (PSY), "APT" (Rose at Bruno Mars), at ang kanyang original release na "Shopping."
Sa gitna ng saya, nagbigay rin si Ryan ng heartfelt birthday wish.

"Sana huwag tayo sumusuko sa buhay kasi lahat ng mga pinagdadaanan natin, bawat manonood na Pilipino, lahat po ay may dahilan si God," aniya.

"'Pag nalagpasan natin, kinaya natin, gusto ko lahat ng Pilipino ma-experience 'yung blessing ni Lord. Kaya 'wag kayo sumuko. Tiwala lang kay God at mahalin 'yung magulang at pamilya n'yo. Ma-experience n'yo blessings ni God."

Labis ang pasasalamat ni Ryan sa lahat ng Pilipinong patuloy na sumusuporta sa kanya sa buhay at karera. Pangako niya, palagi niyang ibabalik ang pagmamahal at tiwala ng kanyang fans, kaibigan, at buong Showtime family.

Isa rin sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya sa South Korea, at siyempre, ang kanyang fiancée na si Paola Huyong.

"I want the best for you. I'll always be your cheerleader in everything,"mensahe ni Paola.

Present din sa selebrasyon ang nanay ni Ryan, na dumayo pa mula South Korea para makasama siya sa kanyang espesyal na araw.

"Gusto niya magpasalamat sa lahat ng Pilipino, sa pagmamahal sa akin. Maraming-maraming salamat daw sa inyo Vice (Ganda), Paola, at sa inyong lahat Showtime family at kayong madlang people," ani Ryan habang isinasalin ang mensahe ng kanyang ina.

"Huwag daw kalimutan 'yung pagmamahal ng mga Pilipino sa akin, babawi daw."

Nagbigay rin ng taos-pusong mensahe ang kapwa host na si Jhong Hilario, na humanga sa determinasyon ni Ryan na itaguyod ang sarili sa Pilipinas.

"Sinabi niya sa sarili niya, 'Magiging successful ako. Gagawin ko ang lahat, gagawin ko ang makakaya ko para mapakita ko sa mga magulang ko sa Korea(at) sa mga taong humahanga sa akin na kaya ko mabuhay kahit nandito ako sa Pilipinas.' Sobrang mahal nito talaga ang Pilipinas at mga Pilipino," kwento ni Jhong.

Natapos ang masayang birthday celebration sa pag-awit ng birthday song ng madlang people habang inihatid ang birthday cake kay Ryan.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: Ryan Bang's sweetest moments with non-showbiz GF Paola Huyong