GMA Logo Ryan Bang on Bubble Gang
What's on TV

Ryan Bang, may nahiyang gawin kay Michael V. nang maka-eksena sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published October 3, 2023 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang on Bubble Gang


Ryan Bang, may sinabi tungkol sa experience niya nang maka-eksena ang award-winning comedian na si Michael V. sa 'Bubble Gang.'

Much-awaited ng mga Ka-Bubble at Madlang People ang upcoming guesting ng It's Showtime host na si Ryan Bang sa flagship gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.

RELATED CONTENT: RYAN BANG SET TO APPEAR IN BUBBLE GANG

Last week, may pasilip na Korean comedian sa mga ilang eksena na ginawa niya kasama ang cast ng multi-awarded gag show.

Sa panayam ng 24 Oras kay Ryan sa ABS-CBN Ball, umamin ito na “dream come true” ang makasama ang Kapuso ace comedian na si Michael V.

Lahad niya, “Isa sa mga pangarap ko bilang komedyante [na] makatrabaho ko si Kuya Bitoy,” dagdag niya, “So, unang eksena ko pa si Kuya Bitoy.”

Inilahad din niya nang maka-eksena niya si Direk Bitoy sa Bubble Gang. Aniya, “Sabi ni Kuya Bitoy, 'Ryan! Tulak mo ako anytime'. Ginanun ko siya tulak. Nahiya ako, e.”

“So 'yan ang greatest moment ko sa guesting ko sa Bubble Gang.”

Kinilala si Direk Michael V. ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa kontribusyon niya sa larangan ng comedy sa Pilipinas.

Ilan rin sa mga kinilala ng FDCP bilang “comedy icons” ay sina The Clash judge Aiai Delas Alas, Eugene Domingo, Unkabogable star Vice Ganda, Open 24/7 actor Vic Sotto at ang late comedy superstar na si Dolphy.

RELATED CONTENT: Facts that will make you realize Michael V. is one the greatest comedians of all time