GMA Logo Ryan Bang
What's Hot

Ryan Bang, naging emosyonal nang balikan ang reunion kasama ang kanyang mga magulang

By Dianne Mariano
Published January 27, 2025 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palestinians celebrate Christmas in Bethlehem
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang


'It's Showtime' host Ryan Bang sa reunion kasama ang kanyang estranged parents: "Para sa akin, it was [the] best [na] nangyari sa buhay ko."

Naging emosyonal ang Korean host na si Ryan Bang sa kanyang latest vlog kasama ang fiancee na si Paola Huyong.

Ibinahagi ni Ryan at ng kanyang partner ang kanilang engagement story sa naturang video. Bukod dito, binalikan din nila ang kanilang trip sa South Korea, kung saan nakilala ni Paola ang estranged parents ni Ryan.

Hindi napigilan ng It's Showtime host na maging emosyonal nang balikan ang reunion kasama ang kanyang mga magulang, na aniya'y isang dream come true. Kwento ni Ryan, hiling niyang makasama ang kanyang mga magulang sa simpleng dinner o lunch.

“Gusto ko lang simpleng lunch or dinner with my mom [and] dad. Tapos first travel namin sa ibang bansa, sa Korea, with you [and] your sister. Sabi ko, 'Mommy, dinner tayo with daddy.' Ayaw, ayaw talaga, never nangyari.

“Tapos tinanong ko kay Daddy, 'Dinner tayo with mom' kasi nakakahiya nandiyan si Paola, nandoon 'yung sister niya. Tapos nagse-send ng video greeting pa 'yung magulang mo sa magulang ko. Ayaw talaga,” kwento ng TV personality.

Patuloy niya, sa huling araw nila sa Korea bago bumalik ng Pilipinas ay pumayag ang kanyang mga magulang.

“Noong last day [sa Korea], papunta kaming airport, biglang sabi ng mommy ko, 'Sige na, tawagan mo na daddy mo.' Sabi ng daddy ko, 'Sige.'” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Ryan, “Isdaan 'yun e, nasa sulok lang. Nandoon daddy ko, mommy ko.”

Naging emosyonal si Ryan nang balikan ang muling pagsasama nila ng kanyang mga magulang at sinabing iyon ang best gift na naibigay sa kanya ng kanyang fiancee.

“That was the best gift mo sa akin kasi lunch 'yun e, ang dami tao, pero buong lunch talagang kinukurot ko 'yung hita ko para hindi ako iiyak, hindi ako [magsasalita], but it was a dream come true.

“Kahit hindi sila masyado nag-usap, para sa akin it was [the] best [na] nangyari sa buhay ko. Kasi nung bata ako, lagi silang nag-aaway. Wala akong memory na tatlo kaming kumain o tatlo kaming nag-travel,” patuloy niya.

Dagdag niya, “It was my first memory na I had isang meal, lunch with my mom [and] my dad, and nabuhay ako doon.”

Para kay Ryan, isang answered prayer ang muling makasama ang kanyang mga magulang.

Panoorin ang buong vlog ni Ryan Bang sa video na ito.


Kasalukuyang napapanood si Ryan Bang sa It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA RYAN BANG AT PAOLA HUYONG SA GALLERY NA ITO.