
Memorable ang isa sa 'EXpecially For You' contestant ngayong Martes, August 20 na lumaban para maka-date ang searchee na si Ky.
Ito ay walang iba kundi ang former US Marine na si Aziz.
Pakilala niya sa It's Showtime, “My name is Aziz from Pasig City. I'm recording artist, entrepreneur.
“I'm a former US Marine, I know what is it like sa barko.”
Ayon sa binata, nagkaroon siya ng five serious relationship noon--- tatlo sa Pinay at ang dalawa naman ay sa Mexican at Brazilian.
Paano naman kaya niya binitawan ng pick-up line niya kay Ky?
Tanong ni Aziz: “Ky, biceps ka ba?”
“Bakit?” tanong naman ng searchee.
Sabay hirit ni Aziz, “Kasi, ayaw kita itago. Gusto lagi kita i-flex.”
Tila may napansin naman si Kim Chiu sa OOTD ni Aziz. Biglang sabi niya sa co-hosts niya: “May kapatid si Aziz… Tinatago niya si Ryan [Bang] magkadamit sila.”
Napuno ng tawanan ang buong studio dahil pareho ang suot nina Ryan at Aziz.
Paglapit ng Korean oppa kay Aziz, tanong niya dito, “Bakit hindi mo sinabi ito suot mo today. Bakit hindi mo sinabi?"
Tugon ni Aziz, “Inapproved 'yung outift ko ng outfit coordinator. Hindi ko kasalanan.”
Source: It's Showtime & GMA-7
RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES