GMA Logo Ryan Bang
What's Hot

Ryan Bang says fiancée Paola Huyong is an answered prayer

By Kristine Kang
Published June 16, 2025 3:52 PM PHT
Updated June 17, 2025 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang


Marami ang kinilig sa sweet moments ni Ryan Bang at Paola Huyong sa 'It's Showtime'!

“Love is in the air,” ika nga ng marami, tuwing nakikita ang noontime oppa na si Ryan Bang at ang kanyang fiancée na si Paola Huyong.

Sa isang episode ng It's Showtime, muling pinakilig ng soon-to-be wedded couple ang madlang people sa kanilang sweet moments onstage.

Present si Paola sa birthday celebration ni Ryan at masayang nakisaya kasama ang buong Showtime family. Isa sa highlights ng episode ay ang emosyonal na birthday message ni Paola para sa kanyang fiancé.

"I want the best for you. I'll always be your cheerleader in everything,"mensahe ni Paola.

Hindi rin nagpahuli si Ryan sa pagbibigay ng taos-pusong mensahe para sa kanyang soon to be wife.

"You're my answered prayer," ani Ryan. "Noong nag-highschool ako dito, sobrang hirap pala nakatira sa ibang pamilya. Kahit marami 'yung ulam, mas okay wala ulam basta kasama mo ang pamilya kasi komportable."

Labis ang pasasalamat ni Ryan sa It's Showtime family, sa mga tumulong sa kanya sa Pilipinas, at higit sa lahat, sa pagdating ni Paola sa buhay niya.

"Sobrang salamat ako sa pamilya mo, tinanggap nila ako kahit Korean, bulol, hindi buo ang pamilya, separate ang parents ko. Tinanggap ng pamilya mo buong-buo 'yung family ko na wala kayong dalawang isip. Maraming maraming salamat."

Kasama rin sa selebrasyon ang ina ni Ryan na dumating pa mula South Korea. Masaya itong nagpasalamat sa lahat ng Pilipino sa mainit na pagtanggap sa kanyang anak.

Masaya rin ito na makita ang pagmamahalan ng kanyang anak at ni Paola. Kaya naman labis ang pasasalamat din niya sa suporta na binibigay ni Paola sa Korean host.

"Gusto niya magpasalamat sa lahat ng Pilipino, sa pagmamahal sa akin. Maraming maraming salamat daw sa inyo Vice (Ganda), Paola, at sa inyong lahat Showtime family at kayong madlang people," ani Ryan habang isinasalin ang mensahe ng kanyang ina.

Sa huli, nagbiro pa ang nanay ni Ryan sa kanyang birthday wish.

"Sana after wedding namin ni Paola gusto niya makita apo dalawa," dagdag ni Ryan.

Balikan ang heartwarming birthday messages para kay Ryan Bang dito:

Noong 2023, ibinunyag ni Ryan Bang sa madlang people ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola.

Simula noon, kinilig ang fans sa mga ibinabahagi nilang romantic at fun-filled moments--mula sa date nights sa Pilipinas hanggang sa travel adventures abroad.

Sa 2024, masayang ibinalita naman ng couple ang kanilang engagement matapos ang isang intimate at heartfelt proposal gathering.

Silipin ang sweet moments nina Ryan Bang at Paola Huyong sa gallery na ito: