GMA Logo Ryan Bang, Ryan Bang's mother
PHOTO COURTESY: Ryan Bang (YouTube)
Celebrity Life

Ryan Bang takes his mom and titas on a food adventure in Tagaytay

By Dianne Mariano
Published July 9, 2025 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Bang, Ryan Bang's mother


Ipinakita ng 'It's Showtime' host na si Ryan Bang sa kanyang bagong YouTube vlog ang bonding niya kasama ang fiancée na si Paola Huyong, ang kanyang ina, at mga tita sa Tagaytay.

Nag-road trip sina Ryan Bang at ng kanyang fiancée na si Paola Huyong kasama ang ina at mga tita ng una patungong Tagaytay para sa masayang food adventure.

Sa latest YouTube vlog ng It's Showtime host, labis ang tuwa at pasasalamat ni Ryan na makasama ang kanyang pamilya at soon-to-be wife.

“Excited po ako, thank you po, Lord. Akalain n'yo, kasama ko 'yung pamilya ko at siyempre si Paola,” ani Ryan.

Nagpunta sa isang Filipino restaurant sina Ryan at kumain sila ng iba't ibang Filipino dishes tulad ng Bulalo, Kare-Kare, Pork Sisig, Lechon Kawali, at iba pa.

Matapos ito, nagtungo sina Ryan at ang kanyang pamilya sa isang hotel at namangha sa ganda ng view na tanaw ang Taal Lake. Nagkaroon din ng heartwarming moment sa pagitan ni Ryan at ng kanyang nanay.

Kasalukuyang may mahigit 100,000 views na ang bagong YouTube vlog ni Ryan.

Noong Hunyo, ipinagdiwang ni Ryan ang kanyang kaarawan sa It's Showtime at present ang kanyang nanay, na dumayo pa mula South Korea para makasama siya sa kanyang espesyal na araw.

A post shared by Ryan (@ryanbang)

Mapapanood si Ryan Bang sa noontime variety show na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA RYAN BANG AT PAOLA HUYONG SA GALLERY NA ITO: