
Kabilang si Ryan Bang sa mga dumalo sa recently concluded GMA Gala 2024 kasama ang kanyang kapwa It's Showtime hosts.
Related content: 'It's Showtime' hosts grace the GMA Gala 2024 in their stylish ensembles
Nakapanayam ng ilang miyembro ng press ang Korean host sa naturang event, kung saan ibinahagi nito ang ilang detalye tungkol sa kanyang upcoming wedding sa fiance na si Paola Huyong.
“Nag-uusap pa po kami pero 'yung main wedding will be here in Manila. Gusto ko talaga magpakasal here in the Philippines,” kwento niya.
Ayon pa kay Ryan, uuwi ng Pilipinas ang kanyang mga magulang kabilang ang kanyang ama, na first time pupunta ng bansa para sa kanyang wedding.
Aniya, “'Yung tatay ko, never siyang sumakay ng eroplano. Pero for the first time, sasakay siya kasi takot siya sa turbulence e. Pero sa kasal ko, pupunta siya sa Manila for the first time. So nakakaiyak. Dapat pala ako magpakasal para makasakay siya ng eroplano.”
Nang tanungin si Ryan kung magkakaroon din ba sila ni Paola ng Korean wedding, sinabi niyang pinag-uusapan pa lamang nila ito.
“Magkakaroon din ng Korean wedding pero very small wedding lang. Pero gusto ko talaga 'yung main wedding ay in the Philippines. Pero hindi pa sure sa Korean wedding, nag-uusap pa kami, pero sure 'yung wedding ko here in Manila,” sagot niya.
Matapos ito, inilahad din ni Ryan kung kailan siya naging sigurado na si Paola na ang kanyang “the one.”
“Dati hindi ako naniniwala 'yung mga sinasabi na spotlight, may slow-mo. Parang 'yung mga pelikula rito, may gano'n 'no? Totoo pala… Nung first time ko siya na-meet, parang may slow-mo talaga. First time ko ma-experience 'yung tadhana,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, “Tapos 'yung relationship namin, up and down. So minsan hindi natin maiiwasan 'yung away. Minsan masaya pero nung nasa down kami, parang alam ko na, gusto ko siya talagang maging asawa ako.”
Matatandaan na noong Hunyo ay inanunsyo na engaged na si Ryan sa kanyang non-showbiz partner na si Paola Huyong.
Samantala, subaybayan si Ryan Bang sa It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.