
Hindi lamang kilala si Ryan Bang bilang isang mahusay na host, kundi maging isang entrepreneur dahil sa kanyang iba't ibang negosyo.
Sa episode ng noontime variety program na It's Showtime nitong Miyerkules, August 12, masayang ibinahagi ng host na si Karylle na nakatanggap ng pagkilala ang Korean restaurant ni Ryan na Paldo.
RELATED: How Ryan Bang's businesses are connected to him and his loved ones
Kinilala ang Paldo restaurant bilang 2026 Top Korean Food Place for the Youth sa Zeen&Tasted Food Festival.
Labis ang pasasalamat ng Korean host sa lahat ng bumubuo ng Zeen Magazine sa pagkilala na natanggap ng kanyang food business.
Aniya, "First time po ako nanalo ng award na Korean Food Place For The Youth award."
Noong August 2025, tampok sa Unang Hirit ang Korean restaurant ni Ryan kung saan natikman ng Kapuso host na si Susan Enriquez ang ilang Korean dishes.
Sa pag-uusap ng dalawa, tinanong ni Susan si Ryan kung paano ito naisip na magkaroon ng restaurant.
"Kasi po favorite ko po talaga, kapag na-stress ako, gusto ko kumakain ng authentic na masarap. 'Yung iba kasi baka akala nila, 'ay sosyal, baka fine dining.' Pero ginawa ko 'yung casual fine dining," sagot niya.
Related gallery: Celebrities who launched a food business during quarantine
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.