
Kay gandang performances ang ipinamalas ni maestro Ryan Cayabyab kasama ang mga iilang sikat na artists sa kanyang concert na "Gen C" noong May 11 at 12.
Para sa kaniyang 70th birthday, inihandog ni Mr. C ang two-night concert kung saan inawit ng mga stars in different generations ang mga kilalang obra ng National Artist.
Present ang Kapuso singer na si Aicelle Santos, Basil Valdez, Filipino band Ben & Ben, Stell ng SB19, at marami pang iba.
Nakatrabaho rin ni Mr. C for the first time ang Unkabogable star na si Vice Ganda at Limitless star, Julie Anne San Jose.
Sa kanyang panayam kasama ang 24 Oras, ibinahagi ng maestro ang kanyang reaksyon sa unang beses marinig niyang kumanta ang dalawang stars.
Kuwento ni Mr. C kay Vice, "What I'm excited about is noong nag-rehearsal kami, first time ko narinig siya. Sabi ko 'Wow,' ang ganda pala ng boses niya kasi hindi ko pa naririnig eh."
Dagdag din niya, "The other person na hindi ko pa nakaka-work before is Julie Anne San Jose. Ganda pala ng boses nun."
Para naman kay Julie Anne, honored siya makatrabaho si Mr. C dahil alam niya kung gaano bigatin ang maestro sa sining ng OPM music.
"Sobrang laki ng impact niya hindi lang para sa akin but most of the artist and singers here in the Philippines sobrang laking bagay ni Mr. C para sa sariling atin, sa OPM," sabi niya.
Maliban sa kanyang experience na makatrabaho ang mga kilalang artist, ibinahagi rin ni Mr. C ang kanyang sikreto sa pag-maintain ng kanyang kasikatan.
Aniya, "Galingan niyo lang lagi. Pangalawa, ang dali niyong makatrabaho, walang mag-co-complain about you."
At ang mahalaga para kay Mr. C, "Professional kayo. Hindi kayo nali-late. Lagi niyo ipapakita enthusiasm niyo. Parang 'I love this job.'"