What's Hot

Ryan Yllana, binabalanse ang showbiz at politics

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2013 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Balik-primetime ngayon si Ryan Yllana sa Pilyang Kerubin. Paano kaya niya pinagsasabay ang kanyang showbiz career at ang kanyang political career ngayon?
Balik-primetime ngayon si Ryan Yllana sa ‘Pilyang Kerubin’. Naiproklama din siya bilang councilor sa Parañaque noong July 1. Paano kaya niya pinagsasabay ang kanyang showbiz career at ang kanyang political career ngayon? Text by Karen de Castro. stars>Isa si Ryan Yllana sa mga anghel na napapanood natin ngayon sa primetime show na <i>Pilyang Kerubin</i>. Masaya si Ryan sa kanyang pagbabalik sa primetime. Dito sa <i>Pilyang Kerubin</i> ay gumaganap siya bilang si Elijah, ang guardian angel ni Angelica at ang mensahero ni San Pedro.

“Actually, yung character ko, gaya nga ng pinag-usapan namin ni Direk Andoy, hindi raw abnoy, childlike lang. So para akong bata,” kuwento ni Ryan. “Ako yung malaking mamang batang-isip na naging kerubin.”

Nae-enjoy naman niyang makatrabaho ang star ng <i>Pilyang Kerubin</i> na si Barbie Forteza, na unang beses niyang nakatrabaho sa project na ito.

“Okay si Barbie. Alam mo, first time kong makipag-work kay Barbie. Sobrang iba yung aura niya e,” Ryan reveals. “Yung aura niya, talagang all-smiles, ang sarap katrabaho, napakagaling, lagi siyang ready sa set. Tapos yugn aura niya iba e. Parang kapag katrabaho mo siya, lahat nakangiti, ang gaan-gaan.”

Samantala, nitong nakaraang July 1 ay naiproklama na siya bilang isang councilor sa Parañaque. Paano kaya pagsasabayin ni Ryan ang kanyang showbiz career at ang kanyang bagong buhay-pulitika?

“Sabi ko nga sa lahat, first love ko ang showbiz. Diyan ako sumikat, diyan ako nakilala. Never kong iiwan ang showbiz,” paglalahad ni Ryan. “Siyempre, isasabay ko yun sa public service.”

Dagdag pa niya, “MWF po ang taping, pero ipinakiusap ko po na kung may obligation ako, kung pwede unahin ko, tutal hanggang 3 pm lang naman yun.”

Hindi ba magiging issue para sa kanya ang pagsasabay ng dalawang careers na ito?

“More or less naman, kaya naman sigurong dalhin ng tao. So kung nagagampanan ko naman ang trabaho ko bilang public servant, and may weekend naman siguro, so puwede ko masingit yung mga taping ko dun,” sagot niya.

Sa ngayon ay patuloy na mapapanood si Ryan sa <i>Pilyang Kerubin</i>, weeknights pagkatapos ng  <i>24 Oras</i> on GMA <i>Telebabad</i>.

Pag-usapan si Ryan sa mas pinagandang <b>iGMA.tv forum</b>! Not yet a member? Register here!<br>
        
        
        
        
    </div>
</div>        <footer><div class=