GMA Logo ryza cenon
Celebrity Life

Ryza Cenon, kinilabutan sa sariling painting

By Nherz Almo
Published February 19, 2025 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

ryza cenon


Posible kayang pasukin ng espiritu ang isang painting? Alamin dito ang sagot ni Ryza Cenon:

Napag-usapan sa media conference ng Lilim noong nakaraang linggo ang isang gawa-gawang painting na nagdala ng takot sa pelikula.

Dahil dito, natanong ng press kung posibleng pasukin ng espiritu ang isang painting.

Bilang sagot, ibinahagi ni Ryza Cenon ang kanyang naranasan sa isa sa kanyang mga ipininta.

“Mayroon akong isang [painting] batang babae po,” paglalarawan ng actress-painter. Nabuo ko lang po siya sa isip ko, 'tapos pinaint ko siya.”

Ayon sa kanya, iba ang naging pakiramdam niya nang matapos ang kanyang proyekto.

“After ko po siyang matapos, medyo mabigat po yung feeling ko dun sa painting na 'yon,” sabi ni Ryza.

“So, tinapon ko rin po siya after. Kasi, every time po na dumadaan ako sa kanya, tumataas po 'yung [balahibo ko]. Iba po 'yung feeling ko talaga as in.”

Dagdag pa niya, hindi lang daw siya ang nakaramdam nito.

“Kahit po 'yung ibang tao, nakakaramdam din po every time na dumadaan sila o nakikiita nila 'yung painting. Iba ang pakiramdam nila, mabigat po. So, sabi ko, 'May something dito, merong pumasok dito.' Kaya tinapon ko na lang po siya,” kuwento ng aktres.

Related gallery: Celebrities and their beautiful artworks

Bukod sa karanasang ito, nabanggit din ni Ryza na bukas ang kanyang “third eye.”

Aniya, “Kapag nakakakita o nakakaramdam ako sa mga location namin, may time na dinededma ko na lang or kinakausap ko sila. Nagso-sorry ako, 'Pasensya na nabubulabog namin kayo.' Or nagtatabi-tabi ako, ganyan.”

Patuloy pa niya, “For me kasi parang it's normal na may nararamdaman po ako or may nakikita ako.”

Samantala, abangan si Ryza sa horror movie na Lilim, na ipalalabas na sa mga sinehan simula March 12.