GMA Logo Ryza Cenon and Baby Night
What's Hot

Ryza Cenon, may pangako sa anak na si Baby Night

By Maine Aquino
Published January 5, 2021 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Ryza Cenon and Baby Night


Ang first time mom na si Ryza Cenon ay nag-post ng kanyang sweet message para sa kanyang anak. Basahin DITO:

Masayang-masaya si Ryza Cenon sa piling ng kanyang unang anak na si Baby Night. Inamin rin nito na marami pa siyang dapat na matutunan bilang new mom kay Baby Night.

Si Baby Night ay ang unang anak ni Ryza at ng cinematographer na si Miguel Antonio Cruz.

Sa post ni Ryza ay nagpasalamat siya sa kanyang anak dahil sa ipinaramdam ni Baby Night ang saya ng pagiging mommy.

Inamin rin ni Ryza na marami pa siyang dapat matutunan sa pagpapalaki ng kanyang anak.

Ryza Cenon and Baby Night
Photo source: @iamryzacenon

“Thank you anak sa lahat ng pina-experience mo sakin. Mahirap pero masaya. Please bear with me anak ha I still have so much to learn bilang mommy mo.”

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Kadugtong pa ng post ng aktres ay ang pangako na iniwan niya para sa kanyang anak.

Saad ni Ryza, “Promise ni mommy sayo na I'm always here for you, kahit nasaan ka pa.”

Inihayag ni Ryza na magiging kakampi siya ng kanyang anak sa mga pagsubok na haharapin nito sa kanyang paglaki.

“Kapag kinailangan mo ko andito lang ako ok? Love na love ka namin ni Dada wag mo kakalimutan yun.”

Inamin ng celebrity mom na excited na siya makita ang paglaki ni Baby Night at masaksihan ang mga milestones nito. Sa kanyang post, gusto umano ituro ni Ryza ang paglalaro na hindi umaasa sa gadgets lamang.

“Arrgghh i can't wait na makapag lakad ka na hahahah dahil mag lalaro tayo. Ituturo ko sayo ang totoong laro hindi sa laptop hindi sa smart phone, sa labas ng bahay or pwede din sa loob. o sha! Matulog ka na.. @iamnightcruz @miguel.antonio.cruz”

Noong hindi pa ipinapanganak ni Ryza si Baby Night ay nagsulat rin ito ng isang sweet na mensahe sa kanyang anak. Ayon sa kanyang post noong August 2020, excited na siya na makasama ang kanyang anak. Kahit hindi pa umano ito ipinapanganak ay nagbibigay na siya ng saya sa kanyang mommy at daddy.

"Excited na kami makita ka. Thank you for effortlessly bringing laughter and joy to us."

Inannounce ni Ryza na ipinagbubuntis niya si Baby Night noong July 2020 at ginulat ang kanyang mga followers sa kanyang inihandang maternity shoot.


Pagsapit ng October 31 ay ipinanganak ng former Ika-6 Na Utos star ang kanyang first baby. Nitong January 1 ay nag-post ng photo si Ryza para i-celebrate ang second month ni Baby Night.

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Silipin ang cute na cute na photos ng anak ni Ryza Cenon sa gallery na ito: