
Nakarating kay Ryza Cenon ang viral scene ng GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest, kung saan makikitang nag-aaway sina Camille Prats at Katrina Halili gamit ang laruang espada.
Sa bagong TikTok video ni Ryza, nag-react siya sa sinabi ng isang nag-comment na may tumalo na sa toy gun scene niya sa Ika-6 Na Utos.
Gumanap si Ryza bilang Georgia hit GMA drama series, kung saan nakasama niya sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.
@realryzacenon Replying to @HiyyihlightLiya Ansaveeeeh?! 🫨 #fyp #foryou ♬ original sound - Ms. Ryza Cenon
Dagsa naman ang comments ng fans sa video ni Ryza at sabi ng mga ito na wala pa rin daw tatalo sa iconic toy gun moment sa Ika-6 Na Utos.
Abangan ang mga maiinit pang eksena nina Olive at Emma sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Ryza Cenon is brave and bald in her new Instagram photos
to