
Pinaghahandaan na ng aktres na si Ryza Cenon ang kaniyang bagong teleserye.
Magiging bahagi siya ng upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.
Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.
Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.
Ito ang Kapuso comeback ni Ryza matapos ang halos isang dekada.
Bilang preparasyon, binago ng aktres ang kaniyang look, simula sa kaniyang hairstyle.
Ibinahagi niya ang kaniyang hair transformaton sa isang maikling video sa kaniyang Instagram account.
"New Hair! New Character!" sulat niya sa caption ng kaniyang post.
Kaakibat nito, sinisikap din si Ryza na maging physically fit sa pamamagitan ng Muay Thai at Pilates.
Bukod kina Dennis, Ruru, at Ryza, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO: