GMA Logo ryza cenon
Source: iamryzacenon/IG
What's on TV

Ryza Cenon, nagkataon lang ang pagsali sa 'StarStruck'

By Kristian Eric Javier
Published July 15, 2025 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

ryza cenon


Wala raw sa plano ni Ryza Cenon ang mag-audition noon sa 'StarStruck,' kung saan nagwagi siya bilang Ultimate Female Survivor.

Malaking sorpresa raw para kay Ryza Cenon ang pagkapanalo niya bilang Ultimate Female Star sa 'StarStruck' Season 2 noong 2004, lalo na at hindi naman niya ginusto talaga na mag-artista.

Sa July 14 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagsali ni Ryza sa StarStruck, at tinanong kung ano-ano ang mga naaalala niya mula sa naturang experience.

Ani Ryza, “'Yung mga challenges po namin, kasi kakaiba po talaga, e, 'yung mga naturo po sa amin that time. Hanggang ngayon, dala-dala ko po kasi 'yun sa trabaho ko.”

Dito, inamin na ni Ryza na hindi niya inaasahang mananalo siya sa naturang kompetisyon.

“Actually, that time po, ako po kasi, introvert po ako, so takot po talaga ako. Mahiyain po ako, so that time, okay lang po ako sa mga challenges. Ang laging nagta-top po sa amin, si LJ (Reyes),” sabi ng aktres.

Kuwento ni Ryza, si LJ, na tinaguriang First Princess, ang inaasahan niyang mananalo lalo na at ito ang madalas na mag-top sa kanilang challenges kumpara sa kaniya na hindi umaabot sa top.

BALIKAN ANG BRAVE AND BALD PHOTOS NI RYZA SA GALLERY NA ITO:

Lalo pang naging nakakagulat para sa kaniya ang resulta ng kompetisyon dahil hindi naman talaga niya binalak maging artista.

Kuwento ng aktres, “Nangyari lang po 'yan, 'yung pinsan ko po kasi talaga dapat 'yung mag-o-audition. And then, hindi po siya puwede kasi hindi pa 16 that time, ako po 'yung pasok sa age. Sayang daw po 'yung punta so ako na lang daw po 'yung mag-audition.”

Sa ngayon ay masaya naman siya sa naging takbo ng kaniyang karera. Lumipat man siya sa ibang network noong 2018, kinabahan at excited naman siyang makapasok uli sa GMA matapos ng ilang taon.

Panoorin ang panayam ni Ryza dito: