
Sobrang nabigla ang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon nang makita niya na umabot ng daang libo ang bill niya sa tubig.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng celebrity mom ang nakakalulang presyo ng kanilang tubig.
Ani Ryza, “Ano kami may carwash?
“10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????
Agad naman tumugon ang water utility company sa reklamo na ito ng aktres.
Samantala, marami naman nakisimpatiya na netizen sa naranasan na ito ni Ryza.
Ang iba naman, nagbiro na ramdam nila na lumitaw uli ang dating karakter niya sa high-rating afternoon series bilang si Georgia.
Nakasama noon ni Ryza sa viral soap na Ika-6 Na Utos sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
ATING BALIKAN ANG ILAN SA FAVORITE CHARACTERS N'YO SA IKA-6 NA UTOS SA GALLERY NA ITO: