Dati ay siya ang yaya ngunit ngayon ay mas mayaman na siya sa amo niya! Ito ang kuwentuwaang pagbibidahan nina Ryza Cenon at Gladys Reyes sa Dear Uge ngayong Linggo, November 6.
Pitong taon nang hiwalay sa asawa si Margie (Gladys). Kaya naman ang dati nilang marangyang pamumuhay ay naging simple na. Nagbago ang kanyang lifestyle at umiwas na siya sa kanyang mayayamang kaibigan. Ngunit sa totoo lang, hindi tuluyang nakaiwas si Margie dahil napakayaman ng bago niyang kapitbahay. Laking gulat pa niya na ang may-ari ng katabi nilang mansion ay ang dati nilang kasambahay na si Dalia (Ryza).
Noong una ay in denial pa si Margie pero habang tumatagal ay hindi na niya napigilan ang kanyang nararamdamang inggit. Ang anak kasi niyang si Trisha (Jillian Ward) nagiging super close na rin sa dati niyang yaya. Dahil dito ay magkakaroon ng rivalry sa pagitan ng dating amo at ng dating kasambahay.
Sino kaya ang mananalo sa kapitbahay wars? Huwag palagpasin ang kuwentuwaang ito ngayong Linggo, November 6, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.