
Makahulugan para kay Ryza Cenon ang experience niya nang gawin ang hit GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos.
Nagtapos ang sikat na soap noong March 2018 at hanggang ngayon ay marami pa rin nakakaalala sa naturang drama project dahil sa maraming viral moment at meme na pinasikat nito.
Sa guest apperance ni Ryza sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ng StarStruck Season 2 Ultimate Female Survivor ang karanasan niya sa Ika-6 Na Utos.
“Ano po yan, para siyang weather for me.” sabi ni Ryza.
Pagpapatuloy niya, “Yes, iba-iba pong weather. May maganda, may masaya, basta po iba-iba. Meron sunshine, wow, Miss Sunshine; may bagyo; may rainbow. May mga ganun feeling po habang ginagawa siya.
“Ibig sabihin, hindi po siya ganun kadali. Mahirap po siyang gawin. Paiba-iba po, hindi mo po siya mape-predict. Biglaan magugulat ka na lang 'pag andun ka na, 'Ah, ito pala 'yung weather ngayon'. Parang ganun.”
Source: GMA Network & Fast Talk with Boy Abunda
Kamakailan, nagkita uli si Ryza at co-star niya sa Ika-6 Na Utos na si Gabby Concepcion nang bumisita ang aktres sa taping ng bagong soap nito na My Father's Wife.
RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of My Father's Wife: