GMA Logo Ryza Cenon
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ryza Cenon tungkol sa pagpapakasal: 'Event lang po 'yan for me'

By Kristian Eric Javier
Published July 15, 2025 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Ryza Cenon


Alamin kung nagbago na ba ang opinyon ni Ryza Cenon sa kasal ngayon.

Naging bukas ang dating StarStruck Season 2 Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon sa pagsabing hindi ganoon kaimportante sa kaniya noon ang kasal. Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 14, ipinaliwanag ng aktres na iyon pa rin ang pinaniniwalaan niya.

“For me po kasi, wedding po kasi, event lang po 'yan for me. Pero 'yung pagsasama n'yo, patitibayin n'yo 'yung foundation ng pagsasama n'yo, for me, 'yun po 'yung mas importnate,” sabi ni Ryza.

Ayon sa aktres, kahit anong edad naman ay pwedeng magpakasal ang dalawang tao hangga't sila ay nagmamahalan. Ngunit para sa kaniya, sayang lang ang kasal kung kung mauwi lang hiwalayan.

“Sayang naman po 'yung vows na sinabi n'yo kay God kung hindi n'yo din naman gagawin. So mas importante po sa akin na sigurado ako na kami, kahit sino pa 'yung dumating sa buhay namin, kung matibay kami, walang makakasira sa amin,” pagpapatuloy ng aktres.

Sa ngayon ay limang taon nang magkarelasyon sina Ryza at boyfriend niyang si Miguel Antonio Cruz. Pag-amin ng aktres, kahit na hindi nagbago ang pananaw niya sa kasal ay marami naman ang nagbago sa kaniyang buhay, lalo na nang siya ay naging ina.

“Ngayon po kasi na naging mother na 'ko, parang nag-iba po 'yung priorities ko. More on kay Night, mas importante lang po talaga siya, lalo na o nu'ng pandemic, kasi po pandemic baby po siya e. Grabe po kasi 'yung naging experience ko nu'ng pandemic,” sabi ni Ryza.

Matatandaan na July 2020 nang ianunsyo ni Ryza ang pagbubuntis niya ng limang buwan sa anak nila ni Miguel, na ipinanganak naman niya noong October ng parehong taon.

Sinabi rin ng aktres na cool pero strikto siyang ina, samantalang ang boyfriend naman niyang si Miguel ang spoiler.

Sa huli, ibinahagi ni Ryza ang mensahe niya sa anak na si Night, kung sakaling mapanood ito ng anak sa hinarap: “Night, sana, gusto ko maging mabuti kang tao. Gusto ko maging mabuti siyang tao sa lahat. 'Yun 'yung lagi ko po kasing sinasabi sa kaniya, maging nice ka sa tao, always choose kindness, kahit gaano pa ka-bad saýo 'yung tao na 'yun, choose kindness.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITIES NA LIHIM NA NAGPAKASAL SA GALLERY NA ITO: