GMA Logo Ryzza Mae Dizon
SOURCE: @ryzzamaedizon_
What's Hot

Ryzza Mae Dizon, ibinahagi ang kanyang reaksyon sa nalalapit na 18th birthday

By Abbygael Hilario
Published May 19, 2023 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rita Daniela celebrates son Uno's 3rd birthday: 'My love for you will always remain'
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Ryzza Mae Dizon


Malapit nang mag-debut ang 'Eat Bulaga' Dabarkads na si Ryzza Mae Dizon.

Sa loob ng tatlong linggo ay ipagdiriwang na ng Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon ang kanyang 18th birthday.

Sa Instagram, nagbahagi si Ryzza ng kanyang throwback photo kung saan makikita ito na ginagawa ang isang sikat na acting style na pinauso niya noon, ang "walling."

Aniya, ito raw ang kanyang reaksyon nang ma-realize niya na 24 days na lang bago ang kanyang espesyal na araw.

"My reaction nung nalaman ko na 24 days na lang pala mag 18 na 'ko," sulat niya sa kanyang caption.

A post shared by Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)

Samantala, hindi naman makapaniwala ang ilang celebrities gaya nina Jon Lucas, Allan K, at Benedict Cua na malapit nang maabot ni Ryzza ang legal age.

Ilan din sa kanyang followers ang tila naka-relate sa reaksyon ni Ryzza at nagbigay pa ng kanilang sariling caption para sa naturang larawan.

"Me after nalaman kong naubusan ako ng lumpia," komento ni @reinareina_2324.

"POV: nalaman mo na 'di ka na crush ng crush mo," saad ni @theryzzasite.

Nagsimula ang showbiz career ni Ryzza noong 2012 matapos siyang manalo bilang Little Miss Philippines sa Eat Bulaga.

SILIPIN ANG LOOB NG 3-STORY HOUSE NI RYZZA MAE DIZON SA GALLERY NA ITO: