Excited na rin si Aling Maliit para sa baby ng kanyang Ate Yan-Yan. By BEA RODRIGUEZ
Kamakailan lang, inanunsiyo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na ipinauubaya niya sa kanyang misis na si Marian Rivera ang pagbili ng mga gamit para sa kanilang baby girl. Sinabi niya ring malapit nang magkakaroon ng baby shower ang soon-to-be mom.
Noong Biyernes (July 24), napanood sa The Ryzza Mae Show si Marian. Masayang nakipagkuwentuhan ang Primetime Queen kay Aling Maliit. Tila excited na rin si Ryzza na makita ang magiging anak ng kanyang Ate Yan-Yan.
Hindi naging kataka-taka na may inihandang regalo si Aling Maliit para kay "Baby Yan-Yan" sa pagtatapos ng show.