
Magpapadala umano ng breast milk si Saab Magalona para sa mga sanggol na evacuees ng Batangas.
Sa pamamagitan ng Facebook post ng local government ng Batangas, nalaman ni Saab na nangangailangan ng breast milk at breast milk pouches para sa breastfed babies na nasa evacuation centers.
Agad namang sumagot si Saab na magbibigay siya ng tulong. Una, nangailangan siya ng magdadala ng kanyang donasyon sa Batangas.
'Di kalaunan ay nakahanap na siya ng magdadala ng mga donasyong breast milk sa Batangas.
UPDATE: Already found somebody who can transport my milk!! Thanks, guys!!!
-- Saab (@saabmagalona) January 15, 2020
Samantala, may mga nagtanong din kay Saab kung paano i-transport ang mga breast milk para sa babies. Nagbigay naman ng tip si Saab sa kanyang mga Twitter followers.
In a cooler with ice!
-- Saab (@saabmagalona) January 15, 2020