GMA Logo Saab Magalona
Source: @saabmagalona (TW) and Source: saabmagalona (IG)
Celebrity Life

Saab Magalona, nagulat nang makita na ginamit ang kaniyang larawan ng isang underarm whitening product sa Cambodia

By Aedrianne Acar
Published April 13, 2023 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Saab Magalona


Ano kaya ang masasabi ni Saab Magalona nang makita niya ang sarili niyang larawan sa isang produkto na ibinebenta sa Cambodia?

Nakakagulat ang kuwentong dumating sa social media influencer at former actress na si Saab Magalona na kalalabas lamang sa kaniyang isolation matapos tamaan ng COVID-19.

Matatandaan na ibinahagi ng anak ni late Master Rapper Francis Magalona na tinamaan siya ng nakakahawang sakit sa post niya sa Instagram noong April 7.

Sa post naman ni Saab nitong April 11 (Tuesday) ay natapos na siya sa mandatory isolation niya.

Sa post ni Saab sa Instagram at Twitter kahapon, isang netizen ang nagbahagi sa kaniya na ginamit ang larawan niya para sa isang underarm whitening product sa bansang Cambodia.

Ibinahagi ng celebrity mom ang direct message ng netizen sa kaniya kung saan sinabi nito na, “Hi podmom! I was at the market here in Cambodia (I live here). Looking around tapos nakita kita sa carton ng underarm whitening cream!”

Tugon na lamang ni Saab, “OMG.”

Napanood si Saab sa ilan sa malalaking serye ng GMA-7 tulad ng Kamandag (2007) at Adarna (2013). Taong 2015 naman ng ikasal siya kay Jim Bacarro at nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Pancho na ipinanganak noong 2018 at Vito na ipinanganak noong 2019.

SILIPIN ANG BUHAY PAMILYA NINA SAAB AT JIM DITO: