
Tila nabubuhay si Master Rapper Francis Magalona o Kiko sa kaniyang apo, ang anak ni Saab Magalona at Jim Bacarro na si Vito.
Sa Instagram, nag-post si Saab ng video ni Vito at ng kaniyang kapatid na si Elmo na kinakanta ang mga awit ni Kiko. Ipinagdiwang kasi nila ang kaarawan ng master rapper nitong October 4 sa isang vinyl record launch party ng album nitong FreeMan na unang nailabas 30 taon na ang nakakaraan.
Sa video, makikita si Elmo na kinakanta ang ilang awitin ni Kiko kasama ang dating banda nito na Hardware Syndrome. Sa ilang mga awitin, ipinamalas din ni Vito ang kaniyang galing sa pagkanta kasama ang kaniyang tiyuhin.
Sa video, ipinakilala pa ni Elmo si Vito bilang “the biggest and the youngest rockstar inside 19 East.”
TINGNAN ANG ILANG LITRATONG NAGPAPATUNAY NG GALING NI VITO SA MUSIC AT INSTRUMENTS SA GALLERY NA ITO:
Itinanghal ni Elmo at Vito ang ilan sa mga iconic songs ni Kiko katulad ng “Cold Summer Nights,” “Meron Akong Ano,” at “Kaleidoscope World.” Walang hirap na nag-rap at nagtanghal at 6-year-old na anak ni Saab kasama ni Elmo.
“I know papa is so happy ❤️ And I'm over the moon that my mom got to witness this. I pointed to @piamagalona watching Elmo with so much pride and I told Jim, “that's me” because my heart was also exploding as I watched Vito on stage 🥰” caption ni Saab sa kaniyang post.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ipinamalas ni Vito ang kaniyang galing sa pagkanta. Noong 2022 ay nag-post si Jom ng video ni Vito na kinakanta ang ilang hit songs ng British band na The Beatles.
Noong 2023, nagbahagi naman si Saab ng video ng kaniyang anak na kinakanata ang hit single ni Frank Sinatra na “Fly Me to the Moon.”