What's on TV

'Sabong,' susunod sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 4:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Paglalabanang atensyon, pera at pagmamahal

Matagal nang adiksyon ni Allan ang pagsusugal. 

At parang sugal, tila itinaya na lang din niya sa kapalaran ang magiging sitwasyon nila ng dalawang babaeng kinakasama niya --- sina Lorraine at Rheena.

Dalawa ang anak ni Allan kay Lorraine samantalang isa naman kay Rheena. Tanggap na ng dalawang babae na iisa ang kanilang partner at ama ng kanilang mga anak kaya naman pumayag sila sa kakaibang sitwasyon kung saan magkakasama sa iisang bahay.  

Nakakayanan nga nila ang ganitong sitwasyon, subalit hindi ibig sabihin nito ay wala nang agawan at inggitan sa oras, atensyon, pagmamahal at sustento ni Allan.

Ganunpaman, hindi rin pala nakatadhanang magtagal ang sitwasyong ito, dahil kasabay ng darating na malas sa pagsusugal ni Allan ang takdang panahon na rin para ang sila ay gumawa ng mabigat na desisyon. 

Ito na kaya ang magiging daan para sa-mas tuwid na pamumuhay para sa kanila? Sino kina Lorraine o Rheena ang magpaparaya? Sino naman ang mananatili sa poder ni Allan? 

Ito ang sunod na kuwentong tampok sa Karelasyon! Kasama sina TJ Trinidad bilang si Allan, Ara Mina bilang Lorraine at Aubrey Miles bilang Rheena. Kasama sina Victor Medina, Dayara Shane at Joshua Lichtenberg sa panulat at direksyon ni Michael Christian Cardoz. Abangan ngayong June 25!

Mapapanood ang Karelasyon sa GMA tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga. Ihahatid ni Ms Carla Abellana.