GMA Logo Sabrina M and Rico Yan
Photo Source: Sarbina M (IG) and Rico Yan fan (IG)
What's Hot

Sabrina M, ibinunyag ang itinagong relasyon kay Rico Yan: 'Alam ni Claudine'

By Al Kendrick Noguera
Published July 8, 2023 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Sabrina M and Rico Yan


Ayon sa dating sexy star na si Sabrina M, siya ang nobya ni Rico Yan nang pumanaw ang aktor, hindi si Claudine Barretto.

Ilang dekada matapos pumanaw si Rico Yan, ginulat ng dating sexy star na si Sabrina M ang publiko nang isiwalat niyang nagkaroon sila ng relasyon ng aktor.

"Ito po yung first time na umamin ako," saad ni Sabrina M sa video ng PEP.ph na kuha mula sa presscon para sa pelikulang Manang, na ginanap noong July 6.

Ayon kay Sabrina M, matagal ang naging relasyon nila ni Rico. Sa katunayan, siya raw ang huling nobya ng aktor bago ito pumanaw at hindi si Claudine Barretto.

"[Naging kami] after Claudine. Matagal din po. Taon. More than two years actually," pahayag niya.

Nilinaw din ni Sabrina M na alam ni Claudine ang tungkol sa kanilang relasyon at iginiit niyang hindi siya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"I think wala namang magiging problema kay Claudine kasi nung naging kami naman ni Rico, tapos na sila. Hindi ko naman pinanghimasukan si Rico during the time na sila.

Dagdag niya, "Hindi [ako yung naging dahilan ng breakup nila] Wala na sila talaga nung pumasok ako sa buhay ni Rico."

Ikinuwento pa ni Sabrina M ang kanyang mga pinagdaanan noong namatay si Rico dahil hindi alam ng publiko na siya ang nobya ng aktor nang mangyari ang insidente.

Aniya, "Nung namatay siya, hindi mo makuhang umiyak eh. Makikita ka ng mga tao, makikita ka ng mga reporters. 'Bakit umiiyak si Sabrina M doon?' And that time, may issue na about Rico, ayoko nang dagdagan."

Pero ani Sabrina M, nakapunta naman daw siya sa burol at libing ng dating nobyo. "Nakalapit ako nung [ililibing] na siya, inabutan pa ako ni Bobby Yan ng bulaklak para iabot kay Rico. Alam ni Bobby. Napakabait naman nila."

Kuwento pa ni Sabrina M, itinago raw nila ni Rico ang kanilang relasyon upang maprotektahan ang kanilang personal na buhay. "Nung may mga lumalabas na issue sa amin, ang dami na eh, dinudurog na agad ako dahil siyempre di ba, Rico Yan 'yan eh."

"Bakit siya pumatol sa isang sexy star, bakit siya pumatol sa isang hubadera eh Rico Yan is Rico Yan," dagdag niya.

Panoorin ang kabuuan ng interview ng PEP.ph

Video courtesy of PEP.ph

THE SADDEST AND MOST SHOCKING DEATHS OF CELEBRITIES: