GMA Logo sachzna laparan
Source: sachzna (IG)
What's on TV

Sachzna Laparan, hindi na babalikan ang ex; inaming may manliligaw na

By Kristian Eric Javier
Published July 14, 2026 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspensions for Tuesday, July 14, 2026
American killed inside home in Sibulan, NegOr; companion hurt
Miss International and Miss Globe winners to attend Binibining Pilipinas finals

Article Inside Page


Showbiz News

sachzna laparan


Sachzna Laparan: "Never po akong bumalik sa ex."

Wala na umanong balak si Sachzna Laparan na balikan ang ex-boyfriend niyang si Mark Pascual. Ito ay sa kabila ng tila maayos na hiwalayan at sweet messages nila sa social media.

Sa katunayan, inamin ng social media personality na meron nang bagong nanliligaw sa kaniya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 13, sinabi ni Sachzna na sa kabila ng pagbabalik-tanaw nila ni Mark sa masasayang alaala ng kanilang relasyon sa kanilang social media posts, hindi nila napag-usapan kung ano ang sasabihin nila.

Sinabi lang umano ni Sachzna kung kailan niya balak mag-post, ngunit hindi ipinaalam sa dating kasintahan ang magiging laman nito.

“Actually, hindi ko rin po alam 'yung mga sasabihin niya. Sabi lang niya sa 'kin, kapag nag-post daw po ako, magpo-post din daw po siya,” sabi ni Sachzna.

A post shared by Sachzna Laparan (@sachzna)

Kaya naman, ang netizens, nagkaroon ng haka-hakang kapag naayos ang problema ng dalawa sa pera, na naging mitsa ng hiwalayan, ay magkakabalikan na sina Sachzna at Mark.

Ngunit ayon kay Sachzna, “Sa akin po, never po akong bumalik sa ex, so alam niyang hindi na po ako babalik sa kaniya. Siya po, alam niya na parang gusto niya pa akong i-pursue nang i-pursue. Until now pa rin naman po.”

“Pero ako kasi, sinabi ko sa kaniya, once done na 'ko, done na 'ko. Kasi naibigay ko na ang lahat, Tito Boy. So parang wala na akong maibibigay pa sa 'yo,” pagpapatuloy ng social media influencer.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINAKANAKAKAGULAT NA HIWALAYAN NG CELEBRITY COUPLES SA GALLERY NA ITO:

Hindi na rin umano naniniwala si Sachzna sa sinasabi ni Mark na hindi na ito magmamahal ng iba dahil marami na raw ipinangako ng dating nobyo na hindi rin naman nito tinupad.

“'Yung mga ganu'ng mga words, ilang beses ko na rin naririnig, pero hindi na po talaga ako naniniwala. Sa ngayon, siguro, kasi may love pa rin siya sa akin. Pero magmamahal at magmamahal ka pa rin. Bata pa naman po siya,” sabi ni Sachzna.

Sa ngayon, sinabi ni Sachzna na magsisinungaling siya kung sasabihin niyang walang nanliligaw sa kaniya.

Pero isang leksyon na natutuhan niya mula sa relasyon nila ni Mark, “Lesson siguro, lalo na kung pinaghirapan mo 'yung perang nakuha mo, hard-earned money mo, siguro pagdesisyunan mo nang maayos, nang mabuti, at 'wag ibigay talaga sa lahat.”

Panoorin ang panayam kay Sachzna dito: