GMA Logo Sachzna Laparan
Source: FTWBA
What's on TV

Sachzna Laparan, inamin ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Mark Pascual

By Karen Juliane Crucillo
Published July 14, 2026 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara: Day 4 shows impeach complaint not backed by proof
Yoo In Na, Lee Dong Wook share heartwarming moments in 'Goblin' anniversary series
Country's flag carrier rolls out three-day seat sale

Article Inside Page


Showbiz News

Sachzna Laparan


Sachzna Laparan sa pakikipaghiwalay kay Mark Pascual: "Napagod ako sa mga betrayal, sa pain na nararamdaman ko sa araw-araw."

Kinumpirma na ng content creator na si Sachzna Laparan ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang ex at kapwa content creator na si Mark Pascual.

Sa panayam ni Sachzna sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, July 13, ibinunyag ng content creator na napagod na siya sa kanilang relasyon, kaya tuluyan na siyang nakipaghiwalay kay Mark.

"Tito Boy, napagod na po ako. Napagod ako sa mga betrayal, sa pain na nararamdaman ko sa araw-araw, at saka 'yung trauma na nabibigay niya sa akin during our relationship. So, ayun po 'yung reason kung bakit po kami naghiwalay," bahagi niya.

Nilinaw naman ni Sachzna na walang third party na sangkot sa kanilang hiwalayan. Gayunpaman, may iba umanong dahilan kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang kanilang relasyon.

"Wala pong cheating. Pero for me, cheating kapag may mga hindi ako nalalaman na nangungutang siya sa mga friends ko, mga influencer ko na kaibigan na hindi ko alam," paliwanag niya.

Inamin din niya ang kanyang pagkadismaya dahil kahit naging live-in partners sila, marami pa rin siyang hindi nalalaman tungkol kay Mark. Sa kabila ng mga lihim na umano'y itinago nito, sinabi ni Sachzna na paulit-ulit pa rin niya itong binigyan ng pagkakataong magbago.

"Binibigyan ko siya ng mga chance kasi naniniwala ako na makakabangon siya kasi partner ko siya e. Sino ba may gustong malugmok 'yung isang tao 'di ba? So, that time, paulit ulit ko siyang pinapatawad," dagdag niya.

"Binibigyan ko siya ng chance na baka magbago pa since wala naman kaming mga away or issue sa mga third party. So, for me, kaya pa kung pera lang naman 'yung problema."

Isa pa sa mga dahilan kung bakit tuluyan siyang napagod ay dahil nadadamay na rin umano ang kanyang pangalan.

"Ang hindi ko na po kaya, nada-drag na 'yung name ko. Kasi pangalan ko na lang 'yung meron ako, Tito Boy. Mawalan man ako ng pera, meron akong pangalan iniingatan," aniya.

Ibinahagi rin ng content creator na nalaman niyang marami pa umanong pinagkakautangan si Mark, na siyang naging huling dahilan para tuluyan na siyang makipaghiwalay.

"Doon na po ako sumabog kasi during our relationship, sinabi ko na kapag nalaman ko na nangungutang ka pa, tama na," kuwento niya.

Samantala, balikan dito ang buong panayam ni Sachzna Laparan sa Fast Talk With Boy Abunda: