GMA Logo Sachzna Laparan
Photo source: @misterpilipinasworldwide
What's on TV

Sachzna Laparan, itinangging may anak sila ng ex-BF na si Mark Pascual

By Kristian Eric Javier
Published July 14, 2026 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan enters Supra Chat semi-finals
US says it has completed its latest wave of strikes on Iran
Cebu ug Negros, Nakighiusa sa Pagsaba-saba sa ilang mga Barko | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Sachzna Laparan


Ayon kay Sachzna Laparan, ayaw niyang magkaanak sa ex-boyfriend niyang si Mark Pascual. Alamin ang dahilan dito:

Kamakailan lang ay naging matunog ang hiwalayan ng social media personality na si Sachzna Laparan at ng boyfriend niyang si Mark Pascual. Kaugnay nito, marami ang nagtatanong: nagkaroon ba sila ng anak at may pag-asa pa bang magkabalikan?

"Wala po, Tito Boy, wala po. Actually, ngayon ko lang po narinig siya," sagot ni Sachzna tungkol sa pagkakaroon ng anak nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 13.

Ayon kay Sachzna, ayaw niyang magkaanak kay Mark dahil na rin sa kalagayan ng buhay nito.

“Kawawa 'yung magiging anak ko naman. Sabi ko sa kaniya, kung magkakaroon man ako ng anak, siguro mga 30 years old po ako, may dalawang taon pa po ako,” sabi ni Sachzna.

Related gallery: Sachzna Laparan, nilinaw ang utang ng ex-BF sa kaniyang pamilya

Patungkol naman sa social media posts tungkol sa kanilang hiwalayan, nilinaw ni Sachzna na hindi nila napag-usapan ni Mark ang mga ito. Ang tanging alam lang umano ng dating nobyo, kung kailan siya magpo-post. Sa katunayan, hindi alam ng isa't isa ang laman ng kani-kanilang post.

Pero ang netizens, nagkaroon ng haka-haka na baka kapag naayos ang kanilang issue sa pera ay magkabalikan sila.

Paglilinaw ni Sachzna, “Sa akin po, never po akong bumalik sa ex, so alam niyang hindi na po ako babalik sa kaniya. Siya po, alam niya na parang gusto niya pa akong i-pursue nang i-pursue. Until now pa rin naman po. Pero ako kasi, sinabi ko sa kaniya, once done na 'ko, done na 'ko. Kasi naibigay ko na ang lahat, Tito Boy. So, parang wala na akong maibibigay pa sa 'yo.”

Hindi na rin umano naniniwala si Sachzna sa sinasabi ni Mark na hindi na ito magmamahal ng iba at ang social media influencer lang ang buhay nito. Wala naman daw natupad na kahit anong pangako sa kaniya ang dating nobyo.

“'Yung mga ganu'ng mga words, ilang beses ko na rin naririnig, pero hindi na po talaga ako naniniwala. Sa ngayon, siguro, kasi may love pa rin siya sa akin. Pero magmamahal at magmamahal ka pa rin. Bata pa naman po siya,” sabi ni Sachzna.