What's Hot

Sagipin ang mga aso at pusa sa 'Nobita in the Wan-Nyan Space-time Odyssey'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2020 7:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

The Father Who Never Leaves
Anne Hathaway announces pregnancy with third child
5 students in Aklan faint amid brownout, intense heat

Article Inside Page


Showbiz News



Dadalhin nina Doraemon at Nobita and mga aso at pusa sa nakaraan. Ito na ba ang happy ending ng mga abandonadong aso at pusa?


Habang naglalaro sa ilog, sasagipin ni Nobita ang isang asong muntik nang malunod! Iuuwi niya ito at papangalanan niyang Ichi. Para maitatago ito mula sa kanyang ina, sikreto niya itong pakakainin at patutulugin sa kwarto nila ni Doraemon. 

Kalaunan, iuuwi din niya si Zubu, isang pusang inabandona sa ulan. Kapareho ni Ichi, itatago rin niya ito sa kanilang kwarto.

Mapapansin ng nanay ni Nobita na kakaiba ang ikinikilos ng anak kaya mag-iimbestiga ito!

Para hindi mahuli, gagamitin nina Nobita at Doraemon ang  ?"Anywhere Door" para dalhin sina Ichi at Zubu sa gubat. Pagdating nila dito, makikita nila ang maraming mga aso at pusa na nanganganib dahil nakakalbo na ang gubat na tinitirahan nila.

Dadalhin nina Doraemon at Nobita and mga aso at pusa sa nakaraan, 300 milyong taon sa nakalipas, kung kailan marami pa ang likas yaman. Ibibigay din nila sa mga alaga ang "Ray of Evolution" para matulungan silang mabuhay sa bago nilang tahanan.

Ito na ba ang happy ending ng mga abandonadong aso at pusa na ito? Ano kaya ang daratnan nina Doraemon at Nobita sa kanilang pagbalik?

Huwag palampasin ang Doraemon Movie: Nobita in the Wan-Nyan Space-time Odyssey, simula May 23, 7:55 a.m. sa nag-iisang tahanan ng mga astig, ang GMA Astig Authority!