Michael V. didn't disappoint sa much-awaited episode ng Bubble Gang this Sunday night, September 14.
Inabangan ng mga certified Batang Bubble ang bago niyang karakter bilang si Ciala Dismaya (Michael V.) na ayon sa mga netizen at fan ay may pagkakapareho o tila isang parody ni Cezarah “Sarah” Discaya na nasasangkot diumano sa mga maanomalyang flood control projects sa Department of Public Works and Highways.
Paldong-paldo ang mga naging sagot ni Ciala Dismaya (Michael V.) sa hearing kaharap sina Senator Markolekta (Betong Sumaya), Senator Espada (Matt Lozano), at Senator Mimani (Analyn Barro) kung saan itinanggi niya na isa silang contractor.

Paglilinaw ni Mrs. Dismaya sa hearing na involved ang kanilang business sa 'birth control construction' dahil pagma-mayari nila ang "Kaya Mo Pa Ba Motel"- ang naturang hotel ay para raw may matuluyan ang mga mag-partners kapag bumabaha.
May paliwanag din si Ciala Dismaya sa kaniyang collection luxury cars at pagbili diumano niya ng Rolls Royce dahil sa payong!
Bumuhos naman ang positive comments ng fans sa fun sketch na ito ni Michael V. at ng Bubble Gang barkada.
RELATED GALLERY: TRIVIA: Iconic characters of Michael V.